Gustung gusto ko 'yung pelikula na The Story of Us. Dito pinakita kung gano natin tinitignan ang sarili lang nating side sa isang relasyon.
'Di natin makita ni ma appreciate ang nagawa, ginawa, ginagawa ng ating karelasyon kapag nagkaron na ng matinding away. Di natin sinusubukang maghukay kung bakit at kung saan nagsimula ang awayan. Laging nagawa ko to. Ito hindi n'ya ginawa, iyon nalimutan n'ya gawin, ito lagi ko ginagawa, wala na kong ginawang tama.Pero kapag pagdudugtungin mo ang mga sinasabi nila pareho namang may punto nga lang siyempre kapag nasasaktan ka iba ang tingin mo sa sitwasyon.
Sana minsan subukan nating ilagay ang ating mga paa sa kanyang lugar nang malaman natin at mahukay natin kung paano at kung saan nagsimula ang lahat para mas madaling gamutin ang sugat. Sana lawigan natin ang ating pananaw at pag unawa sa sitwasyon at kaganapan.
Sana mapagtugma ang mga dulo ng inyong mga tela at tignan kung matatahi pa. Minsan naman pede namang gawing jacket yung isa, yung isa naman ay gloves. Kung kaya naman gawing baro't saya kasi di ba dati kayo ay pinagisa.
Wag gawing basahan ang mga pinagsamahan.Dahil kahit papano naman lahat ay may
natutunan.
No comments:
Post a Comment