'di lang halaman ang tumutubo, tagyawat rin.
'di lang bayani ang matapang, amoy rin.
'di lang buhok ang nagkakabuhul buhol na masakit sa ulo, pagsasalita rin.
'di lang alahas ang makintab, malapad na noo rin.
'di lang straw ang sumisipsip, kasamahan mo rin.
'di lang mainit ang umuusok, ulo rin.
'di lang pagkain ang nauubos, pasensya rin.
'di lang boksingero ang nakakaknock out, foul smell din.
'di lang suntok ang nakakasakit, salita rin.
'di lang pusod ang kailangang dapat putulin, relasyon din.
'di lang yosi ang nauupos, buhay mo rin.
'di lang bola ang tumatalbog, tseke rin.
'di lang reflector ang nagrereflect, tao rin.
'di lang sabon ang bumubula, ang nalalason rin.
'di lang bakal ang nababaluktot, values din.
'di lang pagkain ang makakabusog sa anak mo, pagmamahal din.
'di lang pagkain ang napapanis, laway rin.
'di lang bomba ang pwedeng pasabugin, sikreto rin.
'di lang sa open area mahangin, 'yung mayabang din.
'di lang labi ang kayang ngumiti, ang swelas ng sapatos pede rin.
'di lang bilanggo ang pinalalaya, kamalayan din.
'di lang baka ang mahirap palambutin, puso rin.
'di lang memory ang napupuno, tao rin.
'di lang bumbilya ang napupundi, memorya rin.
'di lang lindol ang nakakayanig, katotohanan din.
'di lang araw ang sumisikat, tao rin.
'di lang mayaman ang nagbibilang ng pera, teller din.
'di lang serena ang gumagawa ng ingay, politiko rin.
'di lang hukbalahap ang nagturo, spoiled brat din.
'di lang luha ang tumutulo, luga rin.
'di lang ang kamay ang nakakasakal, selos din.
'di lang estudyante ang napupuyat, guro din =)
No comments:
Post a Comment