Hindi ko maunawaan bakit kailangan pa nating iselbreyt ang Araw ng Kalayaan. Oo sige sige katwiran n'yo kasi dapat nating alalahanin na minsan tayong nasakop ng mga dayuhan. Oo tama mahuhusay ang ating mga bayani sa pagtatanggol sa mga kababayan natin nuon. Kahanga hanga talaga.
Mabalik tayo, kung bakit para sa akin eh wala tayong karapatang iselebreyt ang araw ng kalayaan. Una sa lahat, oo nga't tayo ay di na sakop ng mga dayuhan pero hindi ba't mas masakit na lantaran tayong winawalanghiya ng maraming politiko? Marami sa kanila ang puro pansariling interes lang ang paglilingkod. Ikalawa, 'di ba't sampal 'yun sa kanila? Aalahanin mo ang pagiging malaya natin pero tayo mismong mga Pilipino eh winawalanghiya ng mga Politiko natin na karaniwan sa kanila eh ninanakaw ang kaban ng bayan. Walang hustisya. Sa dami nang walang kapaparakang pinatay ginahasa at inabuso ilan ang nabigyan ng tamang hustisya? Ano ang maipagmamalaki natin sa mga bayani nuong unang panahon? Ang mga taong akala natin ay sasalaba sa atin na kapwa natin pinoy ang siya pang bumabaon sa atin sa sarili nating bayan. Nakakahiya.Nakakapangliit. Kaya maige pa eh 'wag na lang o better yet let's do something about it. Itapon na ang lahat ng kalokohan at magsilbi na lang sa bayan ng maayos.
No comments:
Post a Comment